Nagsimula sa Wala

Walang tirahan…
Ipinaubaya ng mga magulang ang lupang pinag-aawayan.
Kung kaya’t minsa’y nakatira sa tabing dagat,
Minsan nama’y sa kabundukan,
At kung minsa’y sa *pinagpapaupahang lupa.

Walang pangkain…
Umiinom lamang ng mainit na tubig malam’nan lang ang t’yan bago pumasok sa eskwela.
Walang pambili ng kendi kung kaya’t namumulot na lamang ng balat nito upang gawing pera-perahan.
Nahulog na bunga ng sampaloc ang mirienda at minsa’y pasalubong sa mga kapatid.
Walang panghandang *suman sa Pasko at mga okasyon, kaya pinag-aari kung ano ang meron.

Walang salapi…
Binabagtas ang eskwelahan mula sa kabundukan nang nakatapak upang hindi madumihan ang tsinelas na gagamitin sa pagpasok.
Init ng araw sa paggamas ay ayaw nang maranasan kung kaya’t pursigido sa pagsusumikap na makapagtapos.
Hindi umasa o sinisi ang mga magulang na walang pangbayad sa matrikula, bagkus ay nagsumigasig na itaguyod ang sarili.

Nakipagsapalaran sa Maynila…
Nilisan ang probinsyang kinalakihan upang makahanap ng trabaho at makapag-aral sa kolehiyo.
Nagtrabaho sa lahat ng maaaring pasukan.
Mananahi sa umaga at estudyante sa gabi.
Araw-araw nilalabhan ang nag-iisang uniporme.
Nagtatago sa mga kaklase na nagyayayang kumain,
At lumalagi sa silid-aklatan kapag breaktime dahil walang pambili ng pagkain.
May ilang semestre na kinailangang tumigil upang mag-ipon ng pangmatrikula ngunit hindi kinalimutan ang layunin na makapagtapos.
Kahit inabot ng walong taon sa kolehiyo ay hindi alintana ang layo ng edad sa mga kaklase.

Sa kabila ng lahat…
Ang Diyos ay marunong.
Marahil ay hindi na lumuwas ng Maynila kung mayroon nang pagmamay-aring lupa sa probinsya.
Marahil ay hindi na nagpursiging makapagtapos kung hindi nangarap ng mas maalwang buhay.
Marahil ay hindi na nagsumikap at nagpunyagi kung hindi naranasan ang matinding hirap.

Jovita Fayen Recella-Perez; graduation picture, UST, University of Santo Tomas
Tanda ng naabot na pangarap.

Sa awa ng Diyos, nagbunga ang lahat ng pagtitiis, paghihirap at pagsusumikap.
Kung tutuusin ay hindi nagsimula sa wala, dahil simula’t sapul ay baon ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at kalakip nito ang hindi matatawarang determinasyon, pagpupunyagi, sipag at tiyaga na hindi bumitiw sa adhikain.
Sa pagpapala ng Diyos, dininig ang mga panalangin at naabot ang mga pangarap.

*pinagpapaupahang lupa – lugar na pansamantalang pinagtatrabahuhan (hal. lupang sinasakahan)
*suman – ang pangunahing handa kapag may okasyon sa probinsya.

…let us run with perseverance the race marked out for us, fixing our eyes on Jesus, the pioneer and perfecter of faith. For the joy set before him he endured the cross, scorning its shame, and sat down at the right hand of the throne of God. Consider him who endured such opposition from sinners, so that you will not grow weary and lose heart. (Hebrews 12:1b-3)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: